Image

Watercolor lettering 003: tongue twister thuglife edition.

Ang tagal ko na din palang di nakakapag-update dito. Nakakaloka kasi ang sched at happenings sa buhay buhay. Pero this week, ipopost ko na yung ibang gawa ko at mga pinaggagagawa ko sa buhay. Nothing personal, mga napuntahan kong booksales at siguro, book reviews? Ang dami ko na kasing nababasang libro na minsan nakakalimutan ko na yung summary. Kaya para sa inyo at para sakin, magbibigay ako ng reviews sa mga natapos ko na at para pag nagbackread ako ng pinagpopost ko dito.. atleast maaalala ko agad. 😊

Kung mapapansin nyo yung watermark, instagram dumpsite ko yan ng calligraphy practice ko. Kahit pangit pinopost ko. Nakikita ko kasi yung improvement ng itsura, mas naeexcite akong mag practice ng mag practice. 

Game Masters Horror Stories (Pt.1)

Yes, these ladies deserve a medal for having a long patience like the amazon river
 
I asked our Game Masters to share their “players @requests/PM nightmares” with us. Here are some of the best responses.
1. Kahit konting pag-tingi
Kasagsagan ng “lag week” nun, nagpapahupa lang ng lag kasi magpapaevent ako. Tapos biglang may nag @request na..
@Request: Paki bawas bawasan naman yung lag
So, ilan yung ibabawas ni GM sa lag, 2-3?
hNsc2UI.gif
“I gotchu fam”
2. Ako! Ako! Puro nalang ako!
@Request: Hindi ko na loot dahil sa ****** dc at lag.
    @Request: San hustisya d2?
    @Request: Jan kayo magaling ung manahimik
Nag-papaevent kasi ako ng oras na yun, at sumasagot din sa ibang tanong ng players kaya hindi ko agad siya na-a-accommodate.
“Next time po wag nyo pong kalimutan na mag @autoloot. As I’ve said okay naman po yung server at hindi naman malag.”, sabi ko.
     @Request: So kasalanan ng players yan?
So dapat lahat ng reklamo ng players sa buhay sa GM isisi? Porket hindi na si Pinoy yung naka-upo hindi nyo na siya masisi? Bukas na ang linya ng 8888 para sa mga reklamo sa kawani ng gobyerno. Ay “Private” server nga pala ito.
ypRJtrJ.gif
3. Babae po ako. Mali ka dyan sa inaakala mo.
@Request: GM babae ka po ba?
   Personal Message (PM): Sir?
Last time na chineck ko, babae naman lahat ng GMs except si Admin.
eBLbliq.gif
4. Extrajudicial Theory
May nagpapaevent na isang GM nun, tamang tama magkakaroon din kami ng GM meeting. Dalawa kaming GM na nasa “meeting” place na ng bigyang may tumambad samin na..
@Request: Tropa tropa lang din naman nung GM yung nananalo.
Naningkit ata yung mata nung kasama kong GM kaya nirecall siya para kausapin. Di pa naman kami nagsisimula kaya okay lang. Nag-usap sila na bakit mo aakusahan yung GM na yun na wala namang matibay na katibayan.
(Not in own words )
Player: Theory nyo lang po yan GM. Ano po, tamang hinala. Laro laro lang po to GM wag po seryosohin.
Yung pag-aakusa sa GM ng bias okay lang kasi laru-laro lang, tapos yung kahulugan ng theory para sayo ay.. tamang hinala?
CtGHwZf.gif
5. We got it all for you~

@Request: GM, online po ba si ….
Nag apply sila bilang isang Event Game Master, hindi bilang information station na naghahanap sa mga nawawala o nagpapa-page sa mga mall.
oPYcTQ5.gif
6. Comparison and Contrast
@PersonalMessage: Hi GM, add po kita sa FB
    @GM: Hindi po pwede ibigay yung personal account.
    @PersonalMessage: Bakit po si GM ganyan?
Kahit naman twins, iba iba ng hilig. Hindi porket kilala yung isang GM at yung personal Account niya, lahat na ng GM. Gusto nilang i-enjoy yung privacy nila. Dyan magaling yung iba e, sa comparisons. Compare mo nalang yung grade mo sa classmate mo baka ganahan kang mag-aral.
bY6YQ9j.gif
7. Galawang Hokage
@Request: GM Parecall po.
   *Recalled*
    GM: Hello po, ano pong concern nyo?
    Player: Mabilis ka siguro sa puzzle no? Kasi kakasimula palang ng araw ko, pero nabuo mo na agad.
Madaming oras talaga ang mga players ano? Nagagawa pa nila yan. Tapos pag hindi naman nakasagot yung GM agad sasabihin snob o nananahimik o kung ano. Tawagin nyo lang yung mga GMs kung kailangan, hindi yung para makapaglandian lang. Tapos ano? Pagpupustahan lang?
o7Et5mV.gif
“Oh, did you know that the father’s name of that GM is.. JOOOHN CEEEEENAAA”

8. One time, big time.

@Request: Isa pa po
Hindi ko alam kung hindi pinapapasok sa mathematics and english subject itong mga to. ONE TIME nga e. Kaya siguro kayo iniiwan ng mahal nyo kasi mahilig kayo sa dalawa.
aU0JUow.gif
“Baka mapatay ko yung kabit, silang dalawa.. actually”.

9. Penge naman ako nyan!

@Request GM penge items
Sa mga hindi nakaka-alam, ang items na binibigay ng GMs ay nirerequest nila kay * Admin *. Hindi ito isang chipipay na server na ang GMs ay gawa ng gawa ng items at pinapamigay sa players kung gusto nila. Dito ata nagsimula ang issue na paborito ng mga players sa GMs. Ang pagiging BIAS sa events nila, pati yung respeto sa players ng mga GMs. Hindi naman lahat yan “pabebe”. Respeto lang brad, irerespeto ka din nila.
UukoXUT.gif
10. War on.. war?
Naalala ko one time nung online ako sa hapon, kakatapos lang ng mini events nun; pang tangal umay sa nakaraang araw na puro war. Syempre iisipin mo din yung iba, di naman lahat nakakasali sa war events; kaya ka magpapa mini-events para sa lahat. Bigla ba naman kaming inulan ng..
@Request (IGN 1): War War War
@Request (IGN 2): War War War
@Request (IGN 3): War War War
@Request (IGN 4): War War War
@Request (IGN 5): War War War
Di ko nga alam kung naka-ilang request yun, pag punta ko sa isa sa mga IGNs na nag request, naka ayos pa ng pila. Halos i-isang tao lang yung nagspa-spam.
Wala naman kasing problema sa war, sa totoo lang. Dati na kong player dito, depende yan sa GM kung gusto nyang mag war sa hapon o hindi. Dati nga may schedule pa ang BTA. Meron na ngang war sa madaling araw, umaga, gabi.. Pati ba naman hapon? Chill chill din minsan. Tapos may makakarating sakin na.. “EZ PODS” daw pag war events ng GMs. Di nyo naman sila pagmamay-ari. Sa mga di nakaka-alam, ang donations na ginagawa ng players, hindi napupunta sa GMs. Napupunta to sa server. Volunteer ito, at pwede nilang gawin kahit anong event sa oras nila. Kung ikaw uutusan ko, malamang ang sasabihin mo sakin; “Bakit ko gagawin yan? Di naman ako bayad?”
Nakita mo.. ayun yung sagot sa tanong mo.
Note: Submissions have been edited for length and clarity.
10t16Ha.gif
“When people be hating, but I’m that nigga”

Ang pinakagwapong dancer sa balat ng lupa.

Sinabi mo sakin noon, ang tagal mo akong hinanap.
Sumayaw sa iba’t ibang tempo ng buhay,
iba’t ibang babae ang nakasayaw at nakilala.
Lahat magaganda at sikat,
mga binibining nagbibigay buhay sa mga binata.

Ngunit isang araw ay nakilala mo ang ordinaryong ako.
Ako na walang malay, ako na parehas kaliwa ang paa
At ikaw na biglang nagsabing “Tara’t sumayaw tayo”.
Inalok mo ako, tumangi ako. inalok, tumangi. Isa, dalawa, tatlo,
apat, limang beses akong tumangi, mapilit ka pa din.

Ako na ang sumuko, “Sige, halika na”.
Tinuruan mo akong sumayaw, sumayaw sa iba’t ibang dancefloor
at tempo na parang walang naka tingin sa atin.
Nagbibigay lang sa isa’t isa ng saya at aliw.

Madalas akong nadudulas, natatapilok at umiiyak
sa hirap ng mga indak na kailangan natin sa ating sayaw.
Tatlong beses din akong sumuko at iniwan ka sa gitna,
mas piniling umupo at hanapin ang makakaintindi sa akin.
Ngunit lahat sila umayaw, parehas daw kasing kaliwa ang paa ko.

Nagdasal ako sa langit, “wala na bang magyayaya ulit sa akin?”
habang nakapikit, may lumapit at nagtanong, “maaari ka bang maisayaw ulit?”

Ang ngiting nakabibighani.
Ang mga matang kumikislap sa saya dahil natagpuan ka ulit.
At ang tanong na walang sawa mong inaalok sa akin.

Ngumiti at kinuha ko ang malambot mong kamay,
inalalayan ako sa bawat hakbang.
Ang sakit na naiwan mula sa tapilok at dulas ay unti-unting
nawawala habang umiindak ng dahan-dahan.

“Hindi tayo nagmamadali”, anya niya.
“Enjoy mo lang at ramdamin ang koneksyon ng isa’t isa”.

Salamat sa walang sawang pagyaya,
Sa walang sawang pag-akay.
At sa unlimited mong baon na pasensya.
Salamat, salamat sa pinakagwapong dancer sa balat ng lupa.

Kalyeserye

Sa maliit na sasakyan na dito lahat nagsimula.

Tinanong mo ako kung maari bang maging tay o ibababa mo nalang ako.

Sa kalye na diretso lang ang tinatahak na daan.

Ako’y nagpapasalamat at ika’y nakamtan.

 

Walong taon na din nating binabaybay, itong tuwid at diretsong daan.

Nagawa na siguro nating lahat sa loob ng kotse na ating sinasakyan.

Kasiyahan, kalungkutan, sagutan, takot at iba pang emosyon,

Ang naipon dito na para bang naging isang koleksyon.

 

“True love begins after the kilig has gone”

 

Ngunit hindi mo ako binaba tulad ng sinasabi mo.

Kahit tinotopak, inaaway ka at punong-puno ako ng reklamo.

Hindi madaling umupo sa isang pang habang buhay na byahe.

Kasama ang taong di makasunod sa trip mo at madaming bagahe.

 

Kaya eto pa din tayo nakaupo, magkatabi.

Meron pa ding ngiti sa ating mga labi.

Mahal nga siguro natin ang isa’t isa.

Higit pa sa inaakala natin, at takot malaway sa isa’t isa.

Kapit lang friend.

Ang mga tao ngayon masyadong mapanghusga, hindi ibig sabihin na pag sinabi nilang gusto nilang gawin yung isang bagay, ibig sabihin PERPEKTO na agad ang kakalabasan.

Sa sobrang kagustuhan nila ng isang bagay, binibigyan sila ng maraming problema. Bumabagsak, Umuulit ng subject, nagkakaroon ng problema sa prof, di magkaroon ng trabaho, atbp. Kung kayo nakikita nyo silang mahina, ako hindi.

Isipin nyo, kung mahina talaga sila, bakit pa nila pinagpipilitan yung sarili nila sa isang bagay na ibinagsak sila ng buhay? Pwede naman silang lumipat, pero bakit pa nila pinagsisiksikan yung sarili nila? KASI GUSTO NILA. Parang isang batang gustong gustong kumain ng paborito nyang chocolate.

Imbis na tulungan, kung anu-ano pang sinasabi. Pero kung sabagay, sa mga teleserye nga at pelikula madaming chismosa. Sila yung nagpapa-ikot ng storya na nagdadala sa bida sa kanyang pangarap.

Kaya goodluck sa mga chismosa, at ako sayo kaibigan, KAPIT LANG. 🙂

3 Laws of Motion ni Pareng Newton

823_original.jpg

Ang pag-ibig ko sayo ay parang 3 Laws of Motion ni Pareng Newton
Sabi sa 1st law, hindi uusad ang love story natin kung walang kambyo.

Kaya ginawa ko ang lahat, gumalaw ako para makuha ang iyong puso.

Ibinigay ko lahat ng aking makakaya at umaasa sa 3rd law.
Dahil gusto kita, dapat magugustuhan mo din ako.
Kaso kabaliktaran ang nangyari,

umiwas ka sakin at nagpakalayo layo.

Kaya eto ako ngayon, 2nd law of motion.
Kung anong natitirang lakas ko para lumayo sayo,
ganun din kabilis ang pag move-on ko.