Image

Watercolor Lettering #2

Truth to be told, kaya lang naman ako naglaro ng watercolor at nag-practice mag calligraphy ay dahil sa..

  • Bored ako
  • Natutuwa ako sa mga pinaggagagawa nilang artsy
  • Para sa mga tula o naiisip kong headlines

Medyo nadala kasi ako sa mga kakilala ko na “sobrang tamad” magbasa. Kaya ayun, madaling madali ng clickbait.

Di ko lang alam sa iba, pero para sakin okay lang na kahit walang art yung binabasa ko black and white lang lahat. Sexy na sakin yun. May ibang tao naman na nahihikayat magbasa pag may nakikitang art o kulay na kasama dun sa article o kung ano mang papel yun. In short, iba-iba tayo ng trip sa paglalandi ng libro para basahin sila.

Kaya nag try akong mag-aral o mag practice gumamit ng watercolor, brushpen, watercolor brush at iba pang art stuff na di ko pa nagagamit ng matino sa buong buhay ko. Kahit papano, naging okay-okay naman. Sa tingin ko, ewan ko sa tingin nyo. haha!

Hindi din magaling ang kamay ko sa pag gawa ng ‘frilly’ letters at masyadong ‘bubbly’. Sanay kasi akong magsulat ng mabilis, all caps at minsan di pa maintindihan dahil dun kami na-train ng mga prof ko sa Optometry. Ngayon palang ako namumukadkad na bulaklak.


“Writing is an underestimated art, you are painting colorful images in people’s minds using black and white”.

Yes, I paint. Black and white nga lang at medyo confident ako na mas matino yung nagagawa ko sa isip nyo kesa sa nakikita nyong calligraphy kuno na nakikita nyo. Pero syempre, lahat naman nadadaan sa practice. Malay nyo, gumanda ganda na yang pagsusulat ko after ilang months o years. Nagsimula akong magsulat 5 years ago, tignan nyo ako magsulat ngayon, magulo pa din. hahaha.

Shut up, Lakambini: Domain probs

Laki ng problema ko ano? Haha. Nakakaloka. Nabalikan ko kasi yung plans ng wordpress para makakuha ng domain. May dalawang nagtatalo sa isip ko.

“Wow domain! Sa isang taon meron kang isang sarili mong space at pangalan sa internet para ilagay ang kahit anong gusto mong ilagay!” *boses ng babaeng filipino dubber sa isang anime*

“Sus, domain lang naman yan! Ano naman kung magiging lakaambini.com na o kaya baka tangapin na yung original na spelling, lakambini.com. Sayang 1,700+ mo gurl. Wala ka pang trabaho at tandaan mo, fangirl ka pa din ni Jollibee. Priority first!” *natural na boses ko*

Habang tinatype ko yang dalawang nasa isip ko, naka conclude ako kung ano talagang gusto ko… si Jollibee.

Priority priority lang yan.Tsaka kahit madagdagan naman ako ng (dot com) di pa din tataas readers ko so bakit ko isasakripisyo yung pera ko diba? Bili nalang ako nung 99pesos meal ng Jabee, busog pa ko.

But kidding aside, kahit naman meron o wala. Etong space na ginagamit ko ngayon kahit papano may mga nagbabasa naman. May mga nakakaappreciate kahit papano. At hindi judgmental kung bakit wordpress ang nasa huli ng url link ng blog ko. 

Ang importante, mailabas ko lahat ng salita na nasa ulo ko at maipost dito sa munting hiram na lugar ko sa world wide web. Sa totoo lang, nagugulat talaga ako sa mga na-ba-back read kong post dito. Napapasabi ako ng, “ay talaga?” O kaya “sinabi ko yun?” na parang hindi ako ang nagsulat. Mga 3am feels ang drama.

Ang sarap magdadaldal  ngayon, lalo na sa mga nababasa ko sa Facebook tungkol sa nangyayari sa bansa tapos magbibigay ako ng sarili kong opinyon. Nakakainis din kasi minsan, pinapakita mo na nga yung pagkamakabayan mo, aasarin ka pa ng friends mo o kahit kamaganak. Kaya simula mamaya (dahil 3:50am na), isha-share ko dito yung mga nababasa ko at natututunan sa mga iba’t ibang experto o simpleng bloggers na gumagamit ng utak sa pag-iisip. Hindi ng tyan, dahil magugutom daw tayo pag nag ‘delimit’ tayo sa Amerika. 

Kaya ko siguro napili yang title na yan. Domain. Lugar o teritoryo. Problema ko sa domain ko in terms ng link sa blog at problema ko sa ilang mga pilipino na naka tira sa tahanan nating Pilipinas.

Shut up, Lakambini: Iyakin ng taon, 2016

Sa sobrang lala ng issue sa laro na yun. Grabe talaga. Matagal na kong Game Master at Writer sa online game na yun pero itong taon na to talaga lumabas yung mga hudas na to. Akala mo sila lang ang anak ng diyos. Porket “Nagbabayad” daw sila. Server daw nila yun

Tangina nitong mga to, akala naman nila nabayaran na kami. Ni hindi nga kami binabayaran ng PERA dito kung maka-asta akala mo binabayaran nila kami. Tama din naman si Admin, “nagpapasaya tayo ng tao”. Pero pagpapasaya pa din ba ang gagawin mo kahit binabastos ka na? Binibigyan mo sila ng kasiyahan pero ano balik nila sayo, sinasabihan ka ng “bias”?

Di ko alam bakit madaming ignoranteng nilalang ngayon. Kahit simpleng, GMRC lang di marunong. Wala akong pakeelam kung anong edad mo o nakapagtapos ka ng college, masteral, doctorate o pinagsama samang titles sa pangalan mo; kung di ka marunong RUMESPETO ng kapwa mo, wala kang makukuha sakin.

Daig pa sila ng mga di nakapagtapos, mas nasisiyahan pa nga akong kausapin sila kesa sa mga ungas na to. Kasi marunong silang gumalang. Parang anak ang turing, apo o kapatid. Mabait.

Masasabi ko na kahit bastusin ako ng pasyente ko ng harapan kaya ko pang ngumiti. Daig pa BPO sa customer care e. Yung mga doktor nga nagpapalayas ng pasyente (in a good way) kung sobrang arte. Eto hindi. Wala to. 😂😂😂

Kaya kung etong mga iyakin na to yung pasyente ko at sinabihan ako ng.. “NAGBABAYAD NAMAN AKO” kahit inexplain ko na lahat ng malumanay pero binabastos pa din.. pasensyahan nalang.

Oo nagbayad ka nga, pero di mo ko pwedeng bastusin kasi di mo naman ako nabili. HUMANAP KA NG DOKTOR/GAME MASTER/WRITER NA KAYA MONG BAYARAN. 

Ina, Inay, Mom, Mommy, Mama; Salamat

Ngayong araw ng mga ina,
gusto naming magpasalamat.
Magpasalamat sa lahat ng aruga, pagmamahal,
pangaral at iba pa.
Mga bagay na hindi kayang tumbasan,
ng ginto, pilak at iba pang materyal.
Dati hindi ko alam kung bakit,
hindi ka namin laging naiintindihan.
Ngayon alam na namin ang dahilan,
para sa pag-ibig at aming kaligtasan.
Pasensya na po kayo at hanggang ngayon
ay nadadamay pa din kayo.
Natatamaan kapag kami ay minumura.
Wag mag-alala dahil minumura din naman namin sila,
ng mas mabigat, mas matindi at di inakala.
Tumatanda na kami,
nakakaunawa at nakakapag-isip isip.
Pwede na kayong magpahinga ng pa konti-konti,
kami ng bahala; isang pasasalamat naming munti.
Munti, dahil hindi namin kaya;
ang mga pag-aaruga mong araw-araw ginagawa.
Nagmamahal ng higit sa kanyang sarili,
at buong pusong sa pamilya nagsisilbi.
Kaya lagi mong tandaan at isipin,
hindi dahil wala kami ay wala na din sa paligid.
Minamahal ka namin ng higit sa inaakala,
ng iyong mga cute na anak at mabuting asawa.
Makukulit, sutil, maingay at magugulo,
ngunit magaganda at nagmamahal sayo ng totoo.