Countdown 2016: Kailangan ba talaga alam ng lahat?

Bago matapos ang taon na to, magkwekwento ako ng mga iba’t ibang experiences ko at natutunan ngayong 2016 bago tumuloy ang buhay sa 2017. 

Sabi nga nila..

 You need to step a little backward in order to move into the future.

So basically, ito ang major problem ko this year.

Isa akong mag.. magsasampung taon. Charat. 8 lang, kasama na ngayong taon na to. 6 years ang course, umabot ng 8.. sa mga iba’t ibang kadahilanan. 

  1. Di nakakapasok sa 7am classes. Nagkaroon ng problema sa grading system, hanggang sa hindi nalagyan ng grade yung midterm pero may prelims at finals. 
  2. Dapat i-tututorial kasabay ng summer review (para malagyan ng grade) pero di natuloy dahil di napirmahan.
  3. Hindi naka abot sa quota ng pasyente sa clinic. Ang clinic naman hindi pwedeng i-take ng summer kasi maliit palang ang kolehiyo namin nung panahon na yun (school na kasi siya ngayon, hindi na college)

Mukhang easy peasy pero iniyakan ko yan. Haha. Sobra. Imagine.. nakapagsukat ka na ng toga, nagbigay ka na nang kung anu-anong burloloy sa registrar at ‘alumni’ offices pero nung pinost yung mga gra-graduate.. di ka kasama.

Syempre malaking problema yan kasi umasa silang lahat at malalaman nilang delayed nanaman. Feeling ko talaga ang tanga-tanga ko non. 6 na buwan din akong takot, wala sa wisyo, atbp. Naging okay lang ako nung nagsimula ko nang kunin yung nag-iisang subject na dapat naitutorial ko na. 

Ang tanda mo na.

Wala ka bang balak sa buhay mo?

Bakit delayed ka nanaman?

Ang hirap i-explain. Nakakaloka. Feeling kasi nila wala kang ginawa. Pero sa likod ng mga yan.. yung isang delayed year ko dahil sa clinic, kinuha ko na lahat ng dapat kunin para okay na next year. Yung pangalawa naman, kahit may ojt ako noon pinipilit kong ayusin yang isang subject na yan, February hanggang summer inaayos ko.  Kahit sobrang pagod na pagod na ko, pinipilit kong habulin yung prof ko (na sa huli wala namang nagawa). 

Syempre may pangarap ako. Handa na nga lahat, after kong grumaduate at maka-pasa ng boards.. alam ko na. Hindi ko lang sinasabi. Dahil siguro ayokong magbitaw ng salita kung hindi pa nila nakikita? Hindi kasi lahat ng tao naniniwala sa salita. Gusto lahat nakikita muna. 

Kaya sa mga nag-aalala sakin. Oo masayahin ako, pero may pangarap ako. Baka nga mas nauna pa kesa sa inyo.. medyo nadelayed lang. Masyado daw akong nagmamadali. Haha. Pero I promise.. it will be all worth it.

Shut up, Lakambini: Domain probs

Laki ng problema ko ano? Haha. Nakakaloka. Nabalikan ko kasi yung plans ng wordpress para makakuha ng domain. May dalawang nagtatalo sa isip ko.

“Wow domain! Sa isang taon meron kang isang sarili mong space at pangalan sa internet para ilagay ang kahit anong gusto mong ilagay!” *boses ng babaeng filipino dubber sa isang anime*

“Sus, domain lang naman yan! Ano naman kung magiging lakaambini.com na o kaya baka tangapin na yung original na spelling, lakambini.com. Sayang 1,700+ mo gurl. Wala ka pang trabaho at tandaan mo, fangirl ka pa din ni Jollibee. Priority first!” *natural na boses ko*

Habang tinatype ko yang dalawang nasa isip ko, naka conclude ako kung ano talagang gusto ko… si Jollibee.

Priority priority lang yan.Tsaka kahit madagdagan naman ako ng (dot com) di pa din tataas readers ko so bakit ko isasakripisyo yung pera ko diba? Bili nalang ako nung 99pesos meal ng Jabee, busog pa ko.

But kidding aside, kahit naman meron o wala. Etong space na ginagamit ko ngayon kahit papano may mga nagbabasa naman. May mga nakakaappreciate kahit papano. At hindi judgmental kung bakit wordpress ang nasa huli ng url link ng blog ko. 

Ang importante, mailabas ko lahat ng salita na nasa ulo ko at maipost dito sa munting hiram na lugar ko sa world wide web. Sa totoo lang, nagugulat talaga ako sa mga na-ba-back read kong post dito. Napapasabi ako ng, “ay talaga?” O kaya “sinabi ko yun?” na parang hindi ako ang nagsulat. Mga 3am feels ang drama.

Ang sarap magdadaldal  ngayon, lalo na sa mga nababasa ko sa Facebook tungkol sa nangyayari sa bansa tapos magbibigay ako ng sarili kong opinyon. Nakakainis din kasi minsan, pinapakita mo na nga yung pagkamakabayan mo, aasarin ka pa ng friends mo o kahit kamaganak. Kaya simula mamaya (dahil 3:50am na), isha-share ko dito yung mga nababasa ko at natututunan sa mga iba’t ibang experto o simpleng bloggers na gumagamit ng utak sa pag-iisip. Hindi ng tyan, dahil magugutom daw tayo pag nag ‘delimit’ tayo sa Amerika. 

Kaya ko siguro napili yang title na yan. Domain. Lugar o teritoryo. Problema ko sa domain ko in terms ng link sa blog at problema ko sa ilang mga pilipino na naka tira sa tahanan nating Pilipinas.