Image

Quote of the day 2017: August 27

Me trying to be motivational.

Advertisements
Image

Watercolor lettering 003: tongue twister thuglife edition.

Ang tagal ko na din palang di nakakapag-update dito. Nakakaloka kasi ang sched at happenings sa buhay buhay. Pero this week, ipopost ko na yung ibang gawa ko at mga pinaggagagawa ko sa buhay. Nothing personal, mga napuntahan kong booksales at siguro, book reviews? Ang dami ko na kasing nababasang libro na minsan nakakalimutan ko na yung summary. Kaya para sa inyo at para sakin, magbibigay ako ng reviews sa mga natapos ko na at para pag nagbackread ako ng pinagpopost ko dito.. atleast maaalala ko agad. 😊

Kung mapapansin nyo yung watermark, instagram dumpsite ko yan ng calligraphy practice ko. Kahit pangit pinopost ko. Nakikita ko kasi yung improvement ng itsura, mas naeexcite akong mag practice ng mag practice. 

Watercolor Lettering Dumpsite.

Eto ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Medyo nagpapahinga yung utak ko ngayon sa mga salita, art naman ang na-tripan. Tinry ko yung ginagawa nung mga babae na masyadong “fancy” yung pag lettering. Bumili pa ko ng mga brush pens na dapat pinangkain ko nalang sa zarks, sa watercolor naman pala ako babagsak.

Nakakatuwa kasi nakakarelax siya. Di ko nga alam bakit ganon, siguro kasi kailangan relax ka pag gumagawa kasi kung hindi, makakagawa ka na ng makakapag summon kay delima sa workstation mo.

Umuulan na ng “works” (naks, akala mo artist eh haha!), ko yung instagram ko at facebook. Atleast di na sila mauumay sa mukha ko diba? puro ganon na laman. Ewan ko sa ibang tao pero masaya ako sa ginagawa ko kahit sa paningin nila masyadong “shitty” yun.

Natutuwa din ako kasi, sa mga nakikita kong naglele-lettering o modern calligraphy, eh puro quotes at medyo seryoso yung laman. Ako naman, puro kalokohan. Parang, “fancy” lettering pero pag binasa mo, gusto mong kutusan yung gumawa.

Kaya malamang sa malamang, uulan din dito nun. Dito ko nalang ilalagay yung mga nagawa ko para pwedeng ma-flood. HAHAHAHA.