Kalyeserye

Sa maliit na sasakyan na dito lahat nagsimula.

Tinanong mo ako kung maari bang maging tay o ibababa mo nalang ako.

Sa kalye na diretso lang ang tinatahak na daan.

Ako’y nagpapasalamat at ika’y nakamtan.

 

Walong taon na din nating binabaybay, itong tuwid at diretsong daan.

Nagawa na siguro nating lahat sa loob ng kotse na ating sinasakyan.

Kasiyahan, kalungkutan, sagutan, takot at iba pang emosyon,

Ang naipon dito na para bang naging isang koleksyon.

 

“True love begins after the kilig has gone”

 

Ngunit hindi mo ako binaba tulad ng sinasabi mo.

Kahit tinotopak, inaaway ka at punong-puno ako ng reklamo.

Hindi madaling umupo sa isang pang habang buhay na byahe.

Kasama ang taong di makasunod sa trip mo at madaming bagahe.

 

Kaya eto pa din tayo nakaupo, magkatabi.

Meron pa ding ngiti sa ating mga labi.

Mahal nga siguro natin ang isa’t isa.

Higit pa sa inaakala natin, at takot malaway sa isa’t isa.

Kapit lang friend.

Ang mga tao ngayon masyadong mapanghusga, hindi ibig sabihin na pag sinabi nilang gusto nilang gawin yung isang bagay, ibig sabihin PERPEKTO na agad ang kakalabasan.

Sa sobrang kagustuhan nila ng isang bagay, binibigyan sila ng maraming problema. Bumabagsak, Umuulit ng subject, nagkakaroon ng problema sa prof, di magkaroon ng trabaho, atbp. Kung kayo nakikita nyo silang mahina, ako hindi.

Isipin nyo, kung mahina talaga sila, bakit pa nila pinagpipilitan yung sarili nila sa isang bagay na ibinagsak sila ng buhay? Pwede naman silang lumipat, pero bakit pa nila pinagsisiksikan yung sarili nila? KASI GUSTO NILA. Parang isang batang gustong gustong kumain ng paborito nyang chocolate.

Imbis na tulungan, kung anu-ano pang sinasabi. Pero kung sabagay, sa mga teleserye nga at pelikula madaming chismosa. Sila yung nagpapa-ikot ng storya na nagdadala sa bida sa kanyang pangarap.

Kaya goodluck sa mga chismosa, at ako sayo kaibigan, KAPIT LANG. 🙂