Shut up Gladys: Usaping Kian at Drugs

Napansin ko lang ano. Tuwing may headline na sinasabing kagagawan ni Pres. Digong.. may juicy news before nun sa mga kawani ng gobyerno. Ano na nga ulit yun? Yung pamilya sa Ozamis. Yung mga hermes bag na nakita. Yung niraid yung buong family. Napaka daming evidence nun pati dun sa asawa ni Bautista. May passbooks. Big evidence yun pero bakit eto.. si Kian. Oo napatay siya pero ang daming sinasabi ng witness, pulis, cctv na di naman magkaka-align. Naaawa ako dun sa bata kasi nadamay, nadamay dahil sa pagka greedy ng mga tao dahil sa drugs. Kaya paki lawakan ang isip. Pag drugs, Duterte agad. Hindi nyo na napapansin na yung kalaban sa drugs gumagalaw din. THIS IS WAR. Kung ganon lang pala kadali isipin yung mga nangyayari. Edi bakit may nilikha pang skill na “STRATEGY”. Naawa ako sa bata kasi lagi siyang headline. Imbis na ipagdasal nalang at imbestigahan kung sino gumawa. Puro sisi. Gawagawa din. Ginawa nyong pawn yung bata. Qiqil nyo si ac03 e.

Nakabasa pa ko ng “we deserve better guys”, wow ngayon mo lang talaga sinabi yan. Bakit di mo sinabi yan nung araw araw na nanonood ako ng balita puro patayan ng sibilyan? Na araw araw MURDER ang naririnig ko. Bakit ngayon lang? Kasi nauso ang social media? Hahaha. Lol. Uso na tumblr, facebook, blogs at twitter non.

Wag na wag din ako sasabihan na, “wala kang alam”. Tangina. Ikaw ba di iinit dugo mo kung may kapamilya kang namatay dahil sa droga? Na may patient kang bata na narape dahil din dun? Na yung tapat ng bahay nyo naging area ng mga nagnanakaw para lang sa droga nila? Wag mo saking sasabihin na.. “kasalanan naman nya yan” oh tangina. Kasalanan pala nya e. Edi lahatin na natin ng nagdrudrugs ganun na. Nagegets nyo ba yung galit ko? Na sa sobrang liit ng utak ng iba at selfish di na nanila naiisip yung iba.

At yung mga putanginang nagyaya pa sa pinsan ko na magdrugs kahit may sakit siya, ayon.. dun siya natuluyan. Kaya oo.. deserve better, at kailangan din nating magisip. Hindi lang ng sarili natin kundi iba. At si Digong ginagawa nyang lahat para maalis yang mga salot sa lipunan na yan. Oo pala mura siya at brusko pero kailangan siya ng Pilipinas para tumino.

May nagsabi pa na hindi naman daw matatapos ni Digong yung pagpuksa sa droga. HAHAHA. nakakatawa talaga yon. Hindi pa tayo lahat buhay may droga na. Tapos sasabihin mo di kaya ni Digong. Okay ka lang? In the first place di niya talaga kaya yun. Nagsabi lang siya ng ultimatum or teaser parang ganon. Pero kahit papano. Binoboost nya yung morale ng mga sumusunod sa batas, militar at ng mga pulis. Na kahit papano nakakalabas labas na ng matiwasay.

Bakit sino ba sa tingin nyo kayang kumalaban sa mga ungas sa gobyerno? Si Leni? Hahahahaha. Funny kayo.

And to Kian. May he rest in peace 🙏

Shut up, Lakaambini: Salamat sa lahat kahit tarantado ka.

Ayan, salamat sa pag antabay sa post ko sa facebook. Dumami engagements. Konti nalang malalagpasan ko na si Mocha. Ang kaso nadelete ko na yung post at sorry di ko nashare yung laman nun. Dahil ayaw nilang tapusin at todo explain sila, ako na yung nag initiate na tapusin. PINAGDEDELETE ko na halos yung sa kabatch nila at kabarkada niya. Naloka lang ako nung sinabi niyang ‘mutual friends’ ang nagsusumbong sa mga shinashare ko at iba pa sa social media sites. I’m that popular pala!

May konting tanong lang ako.
1. So hindi cheating ang pagkikita ng dalawang tao sa likod mo kahit may nakakita?
2. Masama na ba ang magsabi ng ‘Thank you’ kahit ikaw na yung inagrabyado?
3. Pag blocked ka at hindi mo alam number nila, pinublic mo yung post para mabasa nila at sinabi mong ayaw mo ng away at gusto mo lang mag thank you, masama ka pa din?
4. Okay lang na maging reason ang ‘ugali’ at ‘pamilya’ ko sa breakup pero kinabukasan sila na?

My main point sa pag post nun, gusto ko talagang magpasalamat. Salamat sa lahat ng pinaggagawa nyong katarantaduhan sakin. Lalo na dyan sa boyfriend niyang todo ang paninira sa lahat ng ex, eh siya naman may kasalanan. Kasi diba, kung hindi ‘cheating ‘ yun, bakit mas nauna pa siyang magkaroon ng bago kesa sakin? oo, sabihin na nating ugali ko nga at sa pamilya ko.. pero kinabukasan magkasama na kayo at nagkikita kayo lagi? habang ako naghahanap pa din ng matinding explaination. Nakakaloka lang kasi it takes two years para masabi ko na salamat. Kung hindi dahil sa kanila, di ako matututo sa buhay buhay at akala ko okay na ang lahat. Pagkapost ko ng ganun, naloka ako dahil hindi papala tapos ang laban sa kanila.

Ang ayoko din na reason yung sa pamilya. Ikaw na nga yung unang dinala ayun pa i-rarason. Okay lang na maging masama ako, wag mo idadamay pamilya ko. Sana nung pinakain ka ng nanay ko bumula bibig mo simula pa lang. at FYI, di ka nila bet sa simula palang, pero di ka nila tinaboy. Sana nagpasalamat ka nalang. HAHAHAHAHAHA. Pero kahit ganon, thank you pa din. Gustong gusto kong sabihin yun kahit sa likod ko ang sama-sama ko ng tao.

Sa pagdelete ko ng mga kabatch mo at ‘mutual friends’ sabi ni ate girl, sana manahimik na yung kaluluwa nyo tulad ng akin. Ito na ang huling ngawa ko tungkol satin. Kung ang thank you at congratulations ay isang sarcasm na galing sakin.. kayo na ang mag-interpret. Basta ako.. It is done. Bye at sana di ko na kayo makita pa ulit.

Shut up, Lakambini: Domain probs

Laki ng problema ko ano? Haha. Nakakaloka. Nabalikan ko kasi yung plans ng wordpress para makakuha ng domain. May dalawang nagtatalo sa isip ko.

“Wow domain! Sa isang taon meron kang isang sarili mong space at pangalan sa internet para ilagay ang kahit anong gusto mong ilagay!” *boses ng babaeng filipino dubber sa isang anime*

“Sus, domain lang naman yan! Ano naman kung magiging lakaambini.com na o kaya baka tangapin na yung original na spelling, lakambini.com. Sayang 1,700+ mo gurl. Wala ka pang trabaho at tandaan mo, fangirl ka pa din ni Jollibee. Priority first!” *natural na boses ko*

Habang tinatype ko yang dalawang nasa isip ko, naka conclude ako kung ano talagang gusto ko… si Jollibee.

Priority priority lang yan.Tsaka kahit madagdagan naman ako ng (dot com) di pa din tataas readers ko so bakit ko isasakripisyo yung pera ko diba? Bili nalang ako nung 99pesos meal ng Jabee, busog pa ko.

But kidding aside, kahit naman meron o wala. Etong space na ginagamit ko ngayon kahit papano may mga nagbabasa naman. May mga nakakaappreciate kahit papano. At hindi judgmental kung bakit wordpress ang nasa huli ng url link ng blog ko. 

Ang importante, mailabas ko lahat ng salita na nasa ulo ko at maipost dito sa munting hiram na lugar ko sa world wide web. Sa totoo lang, nagugulat talaga ako sa mga na-ba-back read kong post dito. Napapasabi ako ng, “ay talaga?” O kaya “sinabi ko yun?” na parang hindi ako ang nagsulat. Mga 3am feels ang drama.

Ang sarap magdadaldal  ngayon, lalo na sa mga nababasa ko sa Facebook tungkol sa nangyayari sa bansa tapos magbibigay ako ng sarili kong opinyon. Nakakainis din kasi minsan, pinapakita mo na nga yung pagkamakabayan mo, aasarin ka pa ng friends mo o kahit kamaganak. Kaya simula mamaya (dahil 3:50am na), isha-share ko dito yung mga nababasa ko at natututunan sa mga iba’t ibang experto o simpleng bloggers na gumagamit ng utak sa pag-iisip. Hindi ng tyan, dahil magugutom daw tayo pag nag ‘delimit’ tayo sa Amerika. 

Kaya ko siguro napili yang title na yan. Domain. Lugar o teritoryo. Problema ko sa domain ko in terms ng link sa blog at problema ko sa ilang mga pilipino na naka tira sa tahanan nating Pilipinas.

Shut up, Lakambini: Iyakin ng taon, 2016

Sa sobrang lala ng issue sa laro na yun. Grabe talaga. Matagal na kong Game Master at Writer sa online game na yun pero itong taon na to talaga lumabas yung mga hudas na to. Akala mo sila lang ang anak ng diyos. Porket “Nagbabayad” daw sila. Server daw nila yun

Tangina nitong mga to, akala naman nila nabayaran na kami. Ni hindi nga kami binabayaran ng PERA dito kung maka-asta akala mo binabayaran nila kami. Tama din naman si Admin, “nagpapasaya tayo ng tao”. Pero pagpapasaya pa din ba ang gagawin mo kahit binabastos ka na? Binibigyan mo sila ng kasiyahan pero ano balik nila sayo, sinasabihan ka ng “bias”?

Di ko alam bakit madaming ignoranteng nilalang ngayon. Kahit simpleng, GMRC lang di marunong. Wala akong pakeelam kung anong edad mo o nakapagtapos ka ng college, masteral, doctorate o pinagsama samang titles sa pangalan mo; kung di ka marunong RUMESPETO ng kapwa mo, wala kang makukuha sakin.

Daig pa sila ng mga di nakapagtapos, mas nasisiyahan pa nga akong kausapin sila kesa sa mga ungas na to. Kasi marunong silang gumalang. Parang anak ang turing, apo o kapatid. Mabait.

Masasabi ko na kahit bastusin ako ng pasyente ko ng harapan kaya ko pang ngumiti. Daig pa BPO sa customer care e. Yung mga doktor nga nagpapalayas ng pasyente (in a good way) kung sobrang arte. Eto hindi. Wala to. 😂😂😂

Kaya kung etong mga iyakin na to yung pasyente ko at sinabihan ako ng.. “NAGBABAYAD NAMAN AKO” kahit inexplain ko na lahat ng malumanay pero binabastos pa din.. pasensyahan nalang.

Oo nagbayad ka nga, pero di mo ko pwedeng bastusin kasi di mo naman ako nabili. HUMANAP KA NG DOKTOR/GAME MASTER/WRITER NA KAYA MONG BAYARAN.