Hi sa bebeng ko na tulog na tulog na.

3:45am [7/21/16]

Ang sarap nanaman ng tulog mo ano?

Ako kasi eto, gising na gising pa sa tabi mo.

Naghihintay antukin bago sumikat ang araw

Mag-aalas tres ng naisipan kong sumigaw.

 

Sumigaw sa notebook na alay ko sayo,

ang mga salitang mahal kita at ako’y iyong bilango.

Pero pag sa text o telepono umuurong ang dila ko,

hindi ko alam ang sasabihin, kung papaano.

 

Hindi kasi kaya ng mga salita lang ang nais kong sabihin,

masyado ng masikip sa dibdib at gumugulo na sa isip

Kaya atat na atat na kong makita ka at mahagkan

ikwento sayo lahat nang aking pinagdaanan.

 

Pinagdaanan kung saan nagsimula,

pagmamahal sayo ng tapat at wagas.

Pati na rin ang mga pagsubok na dumaan

hanggang sa tayo’y muling magkabalikan.

 

Gusto ko mang isigaw lahat sa social media,

facebook, twitter pati na din sa instagram.

Naalala kong madami nga palang mapanghusga

na hindi naniniwala sa forever nating salita.

 

Kaya dito ko napiling sumigaw aking mahal,

sa isang blog na hindi ko alam kung may makakabasa

Tumaas man ang kanilang kilay at husgahan,

maisigaw ko lang na mahal kita ay ayos na.

 

Advertisements