Image

Quote of the day 2017: August 27

Me trying to be motivational.

Advertisements

Countdown 2016: Kailangan ba talaga alam ng lahat?

Bago matapos ang taon na to, magkwekwento ako ng mga iba’t ibang experiences ko at natutunan ngayong 2016 bago tumuloy ang buhay sa 2017. 

Sabi nga nila..

 You need to step a little backward in order to move into the future.

So basically, ito ang major problem ko this year.

Isa akong mag.. magsasampung taon. Charat. 8 lang, kasama na ngayong taon na to. 6 years ang course, umabot ng 8.. sa mga iba’t ibang kadahilanan. 

  1. Di nakakapasok sa 7am classes. Nagkaroon ng problema sa grading system, hanggang sa hindi nalagyan ng grade yung midterm pero may prelims at finals. 
  2. Dapat i-tututorial kasabay ng summer review (para malagyan ng grade) pero di natuloy dahil di napirmahan.
  3. Hindi naka abot sa quota ng pasyente sa clinic. Ang clinic naman hindi pwedeng i-take ng summer kasi maliit palang ang kolehiyo namin nung panahon na yun (school na kasi siya ngayon, hindi na college)

Mukhang easy peasy pero iniyakan ko yan. Haha. Sobra. Imagine.. nakapagsukat ka na ng toga, nagbigay ka na nang kung anu-anong burloloy sa registrar at ‘alumni’ offices pero nung pinost yung mga gra-graduate.. di ka kasama.

Syempre malaking problema yan kasi umasa silang lahat at malalaman nilang delayed nanaman. Feeling ko talaga ang tanga-tanga ko non. 6 na buwan din akong takot, wala sa wisyo, atbp. Naging okay lang ako nung nagsimula ko nang kunin yung nag-iisang subject na dapat naitutorial ko na. 

Ang tanda mo na.

Wala ka bang balak sa buhay mo?

Bakit delayed ka nanaman?

Ang hirap i-explain. Nakakaloka. Feeling kasi nila wala kang ginawa. Pero sa likod ng mga yan.. yung isang delayed year ko dahil sa clinic, kinuha ko na lahat ng dapat kunin para okay na next year. Yung pangalawa naman, kahit may ojt ako noon pinipilit kong ayusin yang isang subject na yan, February hanggang summer inaayos ko.  Kahit sobrang pagod na pagod na ko, pinipilit kong habulin yung prof ko (na sa huli wala namang nagawa). 

Syempre may pangarap ako. Handa na nga lahat, after kong grumaduate at maka-pasa ng boards.. alam ko na. Hindi ko lang sinasabi. Dahil siguro ayokong magbitaw ng salita kung hindi pa nila nakikita? Hindi kasi lahat ng tao naniniwala sa salita. Gusto lahat nakikita muna. 

Kaya sa mga nag-aalala sakin. Oo masayahin ako, pero may pangarap ako. Baka nga mas nauna pa kesa sa inyo.. medyo nadelayed lang. Masyado daw akong nagmamadali. Haha. Pero I promise.. it will be all worth it.

Image

Watercolor lettering 003: tongue twister thuglife edition.

Ang tagal ko na din palang di nakakapag-update dito. Nakakaloka kasi ang sched at happenings sa buhay buhay. Pero this week, ipopost ko na yung ibang gawa ko at mga pinaggagagawa ko sa buhay. Nothing personal, mga napuntahan kong booksales at siguro, book reviews? Ang dami ko na kasing nababasang libro na minsan nakakalimutan ko na yung summary. Kaya para sa inyo at para sakin, magbibigay ako ng reviews sa mga natapos ko na at para pag nagbackread ako ng pinagpopost ko dito.. atleast maaalala ko agad. 😊

Kung mapapansin nyo yung watermark, instagram dumpsite ko yan ng calligraphy practice ko. Kahit pangit pinopost ko. Nakikita ko kasi yung improvement ng itsura, mas naeexcite akong mag practice ng mag practice. 

Image

Watercolor Lettering #2

Truth to be told, kaya lang naman ako naglaro ng watercolor at nag-practice mag calligraphy ay dahil sa..

  • Bored ako
  • Natutuwa ako sa mga pinaggagagawa nilang artsy
  • Para sa mga tula o naiisip kong headlines

Medyo nadala kasi ako sa mga kakilala ko na “sobrang tamad” magbasa. Kaya ayun, madaling madali ng clickbait.

Di ko lang alam sa iba, pero para sakin okay lang na kahit walang art yung binabasa ko black and white lang lahat. Sexy na sakin yun. May ibang tao naman na nahihikayat magbasa pag may nakikitang art o kulay na kasama dun sa article o kung ano mang papel yun. In short, iba-iba tayo ng trip sa paglalandi ng libro para basahin sila.

Kaya nag try akong mag-aral o mag practice gumamit ng watercolor, brushpen, watercolor brush at iba pang art stuff na di ko pa nagagamit ng matino sa buong buhay ko. Kahit papano, naging okay-okay naman. Sa tingin ko, ewan ko sa tingin nyo. haha!

Hindi din magaling ang kamay ko sa pag gawa ng ‘frilly’ letters at masyadong ‘bubbly’. Sanay kasi akong magsulat ng mabilis, all caps at minsan di pa maintindihan dahil dun kami na-train ng mga prof ko sa Optometry. Ngayon palang ako namumukadkad na bulaklak.


“Writing is an underestimated art, you are painting colorful images in people’s minds using black and white”.

Yes, I paint. Black and white nga lang at medyo confident ako na mas matino yung nagagawa ko sa isip nyo kesa sa nakikita nyong calligraphy kuno na nakikita nyo. Pero syempre, lahat naman nadadaan sa practice. Malay nyo, gumanda ganda na yang pagsusulat ko after ilang months o years. Nagsimula akong magsulat 5 years ago, tignan nyo ako magsulat ngayon, magulo pa din. hahaha.