Ang pinakagwapong dancer sa balat ng lupa.

Sinabi mo sakin noon, ang tagal mo akong hinanap.
Sumayaw sa iba’t ibang tempo ng buhay,
iba’t ibang babae ang nakasayaw at nakilala.
Lahat magaganda at sikat,
mga binibining nagbibigay buhay sa mga binata.

Ngunit isang araw ay nakilala mo ang ordinaryong ako.
Ako na walang malay, ako na parehas kaliwa ang paa
At ikaw na biglang nagsabing “Tara’t sumayaw tayo”.
Inalok mo ako, tumangi ako. inalok, tumangi. Isa, dalawa, tatlo,
apat, limang beses akong tumangi, mapilit ka pa din.

Ako na ang sumuko, “Sige, halika na”.
Tinuruan mo akong sumayaw, sumayaw sa iba’t ibang dancefloor
at tempo na parang walang naka tingin sa atin.
Nagbibigay lang sa isa’t isa ng saya at aliw.

Madalas akong nadudulas, natatapilok at umiiyak
sa hirap ng mga indak na kailangan natin sa ating sayaw.
Tatlong beses din akong sumuko at iniwan ka sa gitna,
mas piniling umupo at hanapin ang makakaintindi sa akin.
Ngunit lahat sila umayaw, parehas daw kasing kaliwa ang paa ko.

Nagdasal ako sa langit, “wala na bang magyayaya ulit sa akin?”
habang nakapikit, may lumapit at nagtanong, “maaari ka bang maisayaw ulit?”

Ang ngiting nakabibighani.
Ang mga matang kumikislap sa saya dahil natagpuan ka ulit.
At ang tanong na walang sawa mong inaalok sa akin.

Ngumiti at kinuha ko ang malambot mong kamay,
inalalayan ako sa bawat hakbang.
Ang sakit na naiwan mula sa tapilok at dulas ay unti-unting
nawawala habang umiindak ng dahan-dahan.

“Hindi tayo nagmamadali”, anya niya.
“Enjoy mo lang at ramdamin ang koneksyon ng isa’t isa”.

Salamat sa walang sawang pagyaya,
Sa walang sawang pag-akay.
At sa unlimited mong baon na pasensya.
Salamat, salamat sa pinakagwapong dancer sa balat ng lupa.

Advertisements

Kalyeserye

Sa maliit na sasakyan na dito lahat nagsimula.

Tinanong mo ako kung maari bang maging tay o ibababa mo nalang ako.

Sa kalye na diretso lang ang tinatahak na daan.

Ako’y nagpapasalamat at ika’y nakamtan.

 

Walong taon na din nating binabaybay, itong tuwid at diretsong daan.

Nagawa na siguro nating lahat sa loob ng kotse na ating sinasakyan.

Kasiyahan, kalungkutan, sagutan, takot at iba pang emosyon,

Ang naipon dito na para bang naging isang koleksyon.

 

“True love begins after the kilig has gone”

 

Ngunit hindi mo ako binaba tulad ng sinasabi mo.

Kahit tinotopak, inaaway ka at punong-puno ako ng reklamo.

Hindi madaling umupo sa isang pang habang buhay na byahe.

Kasama ang taong di makasunod sa trip mo at madaming bagahe.

 

Kaya eto pa din tayo nakaupo, magkatabi.

Meron pa ding ngiti sa ating mga labi.

Mahal nga siguro natin ang isa’t isa.

Higit pa sa inaakala natin, at takot malaway sa isa’t isa.

Tindero

Kuya, maraming salamat.

 

Sa pagbebenta sa akin ng limang kilong pagmamahal,

Samahan mo na ng siyam na kaban na pang-unawa.

Sa walong taon mong pagtitiis sa ugali kong hindi malaman,

Na ang taging reklamo lang ay, “ang tagal mo naman”.

 

Maraming salamat sa benta mong betadine na panghilom sa sakit.

Alam mo kasing makulit ako, na sa huli alam mong sayo ako lumalapit.

Dagdagan mo pa ng band-aid na pang protekta,

Panangga sa mikrobyo at mga nangmamata.

 

Sa oras na uhaw na uhaw ako sa pag-intindi ng mundo,

Lagi kang nandyan para bigyan ako ng isang litro.

Isang litro ng matamis na yakap at pagintindi,

Na pumapawi sa aking luha at pighati.

 

Salamat din sa tingi tingi mong pasensya,

Na kahit nauubos ko ay marami ka pa ding reserba.

Kahit mahigit isang taon akong hindi lumapit

Nandyan ka pa din, nagbabantay sa akin.

 

Sino kaya yung supplier mo at sobrang dami ng binebenta mo.

Mga panindang pumapawi sa puso kong pinagod ng mundo.

Sa totoo lang ang taas ng presyo ng mga paninda mo.

Sa sobrang taas, napamahal na ko sayo.

 

Ngayon hindi na ko takot magbigay ng buo,

Dahil alam kong susuklian mo ito ng totoo.

May libre pang bente syeteng kapeng matapang,

Para ipaalala na kaya mo akong ipaglaban.

Ina, Inay, Mom, Mommy, Mama; Salamat

Ngayong araw ng mga ina,
gusto naming magpasalamat.
Magpasalamat sa lahat ng aruga, pagmamahal,
pangaral at iba pa.
Mga bagay na hindi kayang tumbasan,
ng ginto, pilak at iba pang materyal.
Dati hindi ko alam kung bakit,
hindi ka namin laging naiintindihan.
Ngayon alam na namin ang dahilan,
para sa pag-ibig at aming kaligtasan.
Pasensya na po kayo at hanggang ngayon
ay nadadamay pa din kayo.
Natatamaan kapag kami ay minumura.
Wag mag-alala dahil minumura din naman namin sila,
ng mas mabigat, mas matindi at di inakala.
Tumatanda na kami,
nakakaunawa at nakakapag-isip isip.
Pwede na kayong magpahinga ng pa konti-konti,
kami ng bahala; isang pasasalamat naming munti.
Munti, dahil hindi namin kaya;
ang mga pag-aaruga mong araw-araw ginagawa.
Nagmamahal ng higit sa kanyang sarili,
at buong pusong sa pamilya nagsisilbi.
Kaya lagi mong tandaan at isipin,
hindi dahil wala kami ay wala na din sa paligid.
Minamahal ka namin ng higit sa inaakala,
ng iyong mga cute na anak at mabuting asawa.
Makukulit, sutil, maingay at magugulo,
ngunit magaganda at nagmamahal sayo ng totoo.

3 Laws of Motion ni Pareng Newton

823_original.jpg

Ang pag-ibig ko sayo ay parang 3 Laws of Motion ni Pareng Newton
Sabi sa 1st law, hindi uusad ang love story natin kung walang kambyo.

Kaya ginawa ko ang lahat, gumalaw ako para makuha ang iyong puso.

Ibinigay ko lahat ng aking makakaya at umaasa sa 3rd law.
Dahil gusto kita, dapat magugustuhan mo din ako.
Kaso kabaliktaran ang nangyari,

umiwas ka sakin at nagpakalayo layo.

Kaya eto ako ngayon, 2nd law of motion.
Kung anong natitirang lakas ko para lumayo sayo,
ganun din kabilis ang pag move-on ko.